
Kung Kita'y Kapiling
Giliw ano't di ka kumikibo
Naghihingalo na yaring puso
Dahil sa aking pagsuyo
Na di mo pinansin
At iyong binayaang
Masiphayo
Kung kita'y kapiling
Ay nalilimutan
Ang mga pasakit
At dusang tinataglay
Sa lahat ng oras
Ikaw ang pangarap
Ng abang bihag mo
Lagi nang nasa hirap
Bakit aking giliw
Di mo pa lingapin
Ang naghihintay
Ng awa mo at pagtingin
Isinusumpa ko
Kahit na pumanaw
Ikaw ang irog ko
Hanggang sa hukay
Isinusumpa ko
Kahit na pumanaw
Ikaw ang irog ko
Hanggang sa hukay