
Kung Malaya Lang Ako
Nang ikaw ay dumating
Nadama'y iba sa damdamin
Tinig mo't mga paglalambing
Ang siyang lagi ang umaakit sa akin
Kahit dayain pa ang puso ang isipa'y hanap ka
Bakit nga ba ganyan
Kung malaya lang ako
Kung malaya lang ako
Ipagsisigawan kong mahal kita
Kung malaya lang ako
Kung malaya lang ako
Ay ikaw ang tanging pipiliin ko
Sana ay mahal mo rin ako
Kung may isang pagkakataon
Na ikaw ay makapiling ko
Init ng aking pagmamahal
Lagi ay padarama sayo
Kahit dayain pa ang puso ang isipa'y hanap ka
Bakit nga ba ganyan
Kung malaya lang ako
Kung malaya lang ako
Ipagsisigawan kong mahal kita
Kung malaya lang ako
Kung malaya lang ako
Ay ikaw ang tanging pipiliin ko
Sana ay mahal mo rin ako
Kung malaya lang ako
Ipagsisigawan kong mahal kita
Kung malaya lang ako
Kung malaya lang ako
Ay ikaw ang tanging pipiliin ko
Sana ay mahal mo rin ako
Sana ay mahal mo rin ako