William Elvin

Kung Nandito Ka


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Sa mga tulad naming
Mabato mapanghamak
Ang tuwid na daang tinatahak
Masukal at maburak

Kay hirap makatakas
Sa bawat biyayang pinaghirapan
Dalawang dagok ang sukli
Ng kapalarang

Kung nandito ka
Di lang sa alaala
Sana'y di naglaho
Ang dating mga araw

Nung bata pa tayo
Kay raming pangako
Mga anak natin higit pa
Sa ginto

Ako ba'y naging mapusok
Di man lang lumaban
Sa sakmal ng buhay
Bumigay na lang

Sa madaling kimkim
Ang mga supling natin
Sinugal sa dilim

Kay layo ng liwanag di abot ng tingin
Nahuhulog na ako
Kumakapit sa patalim

Huwag ka nang manunumbat
Patawad sinta
Sa isa pang pagkakataon
Maitatama pa ba
Magbabagong buhay na
Magbabagong buhay na

Ngunit kaganti muna