Nina

Kung Walang Ikaw, Walang Ako


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Tahimik ang paligid ko kapag ika'y katabi ko
Kahit anong lamig na nararamdaman
Umiinit pag ika'y nandyan
Laman ng isipan ko laging ikaw ang kapiling ko
Wala ng lungkot dito pag kasama ka

Pag-ibig mo tanging dahilan kung bakit makulay ang aking buhay
Pagmamahal mo siyang dahilan puno ng ligaya ang aking mundo
Pag-unawa mo aking dahilan patuloy akong lumulutang
Ikaw lamang naging dahilan ng buhay ko
Kung walang ikaw wala ring ako

Pagmasdan mo aking ngiti alam mo ba ikaw ang sanhi
Mula noon hanggang ngayon ikaw lamang lahat ng panahon
Laman ng damdamin ko isinisigaw sa buong mundo
Pag-suyong walang hanggan walang katapusan

Pag-ibig mo tanging dahilan kung bakit makulay ang aking buhay
Pagmamahal mo siyang dahilan puno ng ligaya ang aking mundo
Pag-unawa mo aking dahilan patuloy akong lumulutang
Ikaw lamang naging dahilan ng buhay ko
Kung walang ikaw wala ring ako

Pag-ibig mo tanging dahilan
Pinangako ko sa Maykapal na ikaw at ako magpakailanman
At kung walang ikaw wala rin ako