
Labandera Ko
Labandera ko tunay ka kung gumiliw
Ang batya't balo-balo ang siyang laging kapiling
Kung naglalaba sa pagsimoy ng hangin
Sa tabi ng batisan awit mo ay napapansin
Maging ano man ang hirap sa buhay
Ay ligaya rin kung dulot mo hirang
Sa agos nitong tubig na malinaw
Ang sugat ng puso'y aking huhugasan
Kung may hirap may ginhawa
Sa gawain diyan ka liligaya
Maging ano man ang hirap sa buhay
Ay ligaya rin kung dulot mo hirang
Sa agos nitong tubig na malinaw
Ang sugat ng puso'y aking huhugasan
Kung may hirap may ginhawa
Sa gawain diyan ka liligaya
Mayrong haliwhiw at himig ang tubig
At may gunita sa ating pag-ibig
Ang sumpa mo pa'y singlinaw ng batis
Na ikaw ay aking lamang hanggang langit