
Lahat Ng Araw
Sa bawat sandali tayo ay magkapiling
Ang bawat lunggati pakinggan ang hiling
Ang puso ko't budhi ay hindi sinungaling
Sana ay ulinigin damdamin ko giliw
Asahan pangarap nitong buhay
Lahat ng araw kita'y mamahalin
Iwasan ang iyong alinlangan
Lahat ng araw kita'y mamahalin
Sa labi ng imbing kamatayan
Itangi yaring pagmamahal
Tulutang magtapat sayo hirang
Lahat ng araw kita'y mamahalin
Lahat ng araw kita'y mamahalin