Melodia

Langis At Tubig


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Tubig at langis ang katayuan nati’y yan ang kawangis
Pilitin mang magsama’y may mahahapis
Ganyang-ganyan tayong dalawa
Ang panuntuna’y magkaiba (oh)

Langis at tubig ‘di mapagsama ng tunay mang pag-ibig (oh)
Hinanakit ang s’yang laging mananaig
Mahal na mahal man kita
May mahal ka namang iba oh

Tubig at langis
Idarang man sa init ‘di rin tatamis
Dahil ang halo’y luha’t paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis kung labis

Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa ‘ting daigdig (oh)
May dasal ba akong hindi n’ya narinig (oh)
Papel natin sa pag-ibig (oh)
Ako’y langis ika’y tubig (oh)

Tubig at langis
Idarang man sa init ‘di rin tatamis
Dahil ang halo’y luha’t paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis kung labis

Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa ‘ting daigdig (oh)
May dasal ba akong hindi n’ya narinig
Papel natin sa pag-ibig
Ako’y langis ika’y tubig

Ako’y langis ika’y tubig
Ako’y langis ika’y tubig (oh)