Danilo Santos

Larawan Ng Pag-Ibig


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Buhat ng tayo'y magkawalay
Lumagi nang nalulumbay
Kaya nang upang maibsan
Ang taglay na kalungkutan
Larawan mo'y minamasdan

Kapag iyan ay nakikita
May ligayang nadarama
At aking naaalala
Ang lumipas na pagsinta
Kapwa tayo maligaya

Subalit ngayon sinta
Kalong ng madlang dusa
At sayo'y nangungulila
Buhat ng maglaho ka

Kung kaya't ang aliw sa buhay
Kapag ako'y nalulumbay
Walang sawang hinahagkan
At palaging minamasdan
Larawan mo aking hirang

Subalit ngayon sinta
Kalong ng madlang dusa
At sayo'y nangungulila
Buhat ng maglaho ka

Kung kaya't ang aliw sa buhay
Kapag ako'y nalulumbay
Walang sawang hinahagkan
At palaging minamasdan
Larawan mo aking hirang