
Ligaya
Sa bawat araw hinahanap ng puso ko
Ang lambing ng tinig mo
Mayroon kang ibinigay sa buhay ko
Mula nang makilala ka
Kaligayahan di maintindihan
Ay nararamdamang muli
Pinilit kong pigilan ang nadarama
Ngunit ang puso ko'y gustong laging kapiling ka
Panandalian lang kayang lahat ang nadarama
Sa piling ko sana ay magtatagal pa
Ligaya ang dulot mo
Ayaw kitang mawala sa buhay ko
Ligaya ang binibigay mo
Di magtatagal mamahalin kita
Oh oh
Hindi mahirap sakin ang magmahal (magmahal)
Kung ikaw ang iibigin ko (iibigin ko)
Maari kayang simulan nang agad
Ang buhay na kapiling ka (kapiling ka)
At gagawin ko nang totoo ang panaginip ko (panaginip ko)
Di na pipigilan pa ang puso't isip dahil
Ligaya ang dulot mo
Ayaw kitang mawala sa buhay ko
Ligaya ang binibigay mo
Di magtatagal mamahalin
Ligaya ang dulot mo
Ayaw kitang mawala sa buhay ko (ikaw sa buhay ko)
Ligaya ang binibigay mo (ang binibigay mo)
Di magtatagal mamahalin kita
Oh oh
Ikaw ang ligaya
Ligaya sa buhay ko
Ligaya