
Liwanag Ng Aming Puso
Liwanag ng aming puso
Sa ami'y manahan ka
Ang init ng 'yong biyaya
Sa amin ipadama
Patnubay ng mahihirap
Oh aming pag-asa't gabay
Sa aming saya at hapis
Tanglaw kang kaaya-aya
Liwanag ng kaaliwan
Sa ami'y dumalaw ka
Kalinga mo ang takbuhan
Noong unang-una pa
Pawiin ang aming pagod
Ang pasanin pagaanin
Minamahal kong kalungan
Sa hapis kami'y hanguin
Liwanag ng aming puso
Sa ami'y manahan ka
Idulot mo po sa amin
Kapayapaang wagas
Ang 'yong gantimpala't mana
Pangako mong kasarinlan
Ang bunga ng pagkandili
Ligaya magpakailan man