Himig Heswita

Liwanagan Mo Hesus


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Masdan natin ang ating daigdig
Ginawang tahanan ng D'yos nating mahal
Ngunit sa pagdaan ng maraming panahon
Nabalungan ng kadiliman at nauhaw sa pagmamahal

Damhin natin ang kalooban
Ginawang himlayan ng Diyos nating mahal
Ngunit sa pagsapit ng sigwa at tag-init sa ating buhay
Nawalan ng malay at nanlamig sa pag-ibig

Liwanagan mo Hesus ang aming buhay
Yakapin mo ang 'yong bayan sa 'yo'y naghahanap
Matalinhagang ilaw mo't pagmamahal
Pumapawi ng karimlan

Liwanagan mo Hesus ang aming buhay
Ipakita mo ang 'yong mukha at kami'y maliligtas
Kapayapaan at dangal isinag mo
At maninibago ang wangis ng iyong mundo

Ang tawag ni Hesus pakinggan
Isabuhay natin mithi ng kaharian
Magpawi ng gutom sa uhaw magpainom
Sa nasugatan ay magpahilom sa maysala magpatawad

Liwanagan mo Hesus ang aming buhay
Yakapin mo ang 'yong bayan sa 'yo'y naghahanap
Ang matalinhagang ilaw mo't pagmamahal
Pumapawi ng karimlan

Liwanagan mo Hesus ang aming buhay
Ipakita mo ang 'yong mukha at kami'y maliligtas
Kapayapaan at dangal isinag mo
At maninibago ang wangis ng iyong mundo

Kaharian ng Maykapal sumasaatin na
Sa pamamagitan ni Hesus

Liwanagan mo Hesus ang aming buhay
Yakapin mo ang 'yong bayan sa 'yo'y naghahanap
Ang matalinhagang ilaw mo't pagmamahal
Pumapawi ng karimlan

Liwanagan mo Hesus ang aming buhay
Ipakita mo ang 'yong mukha at kami'y maliligtas
Kapayapaan at dangal isinag mo
At maninibago ang wangis ng iyong mundo