
Luha sa galak
Bakit luha ang salubong ng aking giliw
Ikinalulungkot mo ba ang aking pagdating
Ang pagluha ko ay sa tindi ng kagalakan
Ng puso kong nilisan mo't nalimutan
Malilimot ko ba ang pag-ibig at pagmamahal mo
Na lubusang naghahari dito sa puso ko
Mapalad din (mapalad din)
Ng pag-asa ng ating buhay (ng pag-asa nitong buhay)
Kung walang magmamaliw at di lilimot sa sumpaan
Nag-liwanag ang langit
Nawala ang ligalig
Pagkat muling magkaniig tayo sa pag-ibig
Ito ang panyolito ko
Luha mo ay pahirin
Ang luha sa galak dahil sa pag-giliw
Nag-liwanag ang langit
Nawala ang ligalig
Pagkat muling magkaniig tayo sa pag-ibig
Ito ang panyolito ko
Luha mo ay pahirin
Ang luha sa galak dahil sa pag-giliw