
Lumang Tindahan
Sa lumang tindahan
Aking napagmasdan
Matanda't binata
Ay nag-iinuman
Sila'y nakaupo
Sa harap ng hapag
Sa tig-isang kamay
Hawak ay pantagay
Kung kayo'y lasing na
Ang bilin ko lamang
Magsiuwi kayo
Sa inyong tahanan
Pag inyong narinig
Ang sigaw ng tatay
Huwag niyong papansinin
Pagkat siya'y lasing din
At kung maririnig mo nagkakatuwaan
Sa lumang tindahan
Tiyak na may inuman
Lumapit ka igan dala ang pulutan
At inyong tatandaan dahan-dahan lamang
At kung maririnig mo nagkakatuwaan
Sa lumang tindahan
Tiyak na may inuman
Lumapit ka igan dala ang pulutan
At inyong tatandaan dahan-dahan lamang