
Maghanap Ng Iba
Do do do do
Akala ko ba'y gusto mo nang magbago
Lahat ay gagawin para ako'y mabawi mo
Bagay sayo ang mag-imbento
Tapusin na natin ang mga pambobola mo
At kung hindi ka naman seryoso
At kung di ka naman sigurado
Wag na lang
Maghanap ng ibang magmamahal
Gusto ko'y seryoso
Kapag magmamahal di kailangan ng gwapo
Iibigin ka ng tunay balewala ang yong kulay
Basta't nandito ka habang buhay
Di naman sa nagrereklamo
Talagang ganito mali ang napili ko
Sino ba sa'tin ang handang umibig
Itaas ang kamay at yayakapin ko
At kung di ka naman seryoso
At kung di ka naman sigurado
Asa ka pa
Maghanap ng ibang magmamahal
Gusto ko'y seryoso
Kapag magmamahal di kailangan ng gwapo
Iibigin ka ng tunay balewala ang yong kulay
Basta't nandito ka habang buhay
Habang buhay habang buhay
Habang buhay
Do do do do