Mimo Perez

Maghari Ka Sa Amin


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Katulad ng munting butil
Na sa lupa'y natanim
At naging punong mayabong
Na nagbibigay lilim
Sa 'ming abang kalagayan
Sa 'ming karukhaan
Nasaksihan ang pag-usbong
Ng iyong kaharian

Minsan pa sa amin ay manahan ka
Sa aming puso sa aming tahanan
Sa iyong sambayanan

Maghari ka sa amin
Panginoon aming dalangin
Maghari ka sa amin
Maghari ka sa amin
At manahan ka sa 'ming piling

Uhaw sa katarungan
Gutom sa pagmamahal
Sa gitna ng mga digmaan
At kawalang pakialam
Buhayin mo sa'ming puso
Binhi ng kaharian
Itulot mong aming bawiin
Aming karangalan

Minsan pa sa amin ay manahan ka
Sa 'ming puso sa aming tahanan
Sa iyong sambayanan

Maghari ka sa amin
Panginoon aming dalangin
Maghari ka sa amin
Maghari ka sa amin
At manahan ka sa aming piling

Maghari ka sa amin
Panginoon aming dalangin
Maghari ka sa amin
Maghari ka sa amin
At manahan ka sa 'ming piling