
Mahal Kita
Bakit ba may luha ang iyong mga mata
Ba't di limutin ang lumisan mong mahal
Narito ako upang ibigin ka
Sa iyo ang alay ko'y tapat na pagsinta
Bakit di hayaang lunasan ko sinta
Ang hapdi sa sugat ng puso na iyong nadarama
Ang kahapon ay limutin at huwag nang lumuha pa
Lagi mong isiping narito ako't mahal kita
Buksan muli ang damdaming damhin ang pagsuyo
Dinggin ang puso kong tibok ay ngalan mo
Kalungkuta'y itapon at saki'y umakap ka
At labis na pag-ibig ang iyong madarama
Bakit di hayaang lunasan ko sinta
Ang hapdi sa sugat ng puso na iyong nadarama
Ang kahapon ay limutin at huwag nang lumuha pa
Lagi mong isiping narito ako't mahal kita
At kung sa aki'y ikaw ay nangangamba
Na tulad niya'y saktan kita
Buksan ang dibdib ko at doon
Ngalan mo'y nakaukit na
Bakit di hayaang lunasan ko sinta
Ang hapdi sa sugat ng puso na iyong nadarama
Ang kahapon ay limutin at huwag nang lumuha pa
Lagi mong isiping narito ako't mahal kita
Hu