
Makakatawid Din Tayo
Pinatigil ang mundo sa paggalaw
Kaydami ang nagugutom at nauuhaw
Ang kalye ay malinis at walang nagdaraan
Sirenang kay haba ang siyang pumupukaw
Sadya ngang kaybigat itong hamon sa atin
Sa taimtim na dasal tayo ay diringgin
Makakatawid din tayo
Kung ang pag-ibig iaalay sa kapwa mo
Mayrong isang umagang gigising sayo
Na may ngiti't saya sa hamon ng mundo
Di ka mag-iisa
Bawat laban ay sama-sama tayo
Sa bawat araw tayo'y patuloy magdasal
Nang ang pagsubok ay agad nating malampasan
Ang malasakit huwag ipagkait kanino man
Pagkat ang Maykapal sa atin ay ganyan
Sadya ngang kay bigat itong hamon sa atin
Sa taimtim na dasal tayo ay diringgin
Makakatawid din tayo
Kung ang pag-ibig iaalay sa kapwa mo
Mayrong isang umagang gigising sayo
Na may ngiti't saya sa hamon ng mundo
Di ka mag-iisa
Bawat laban ay sama-sama tayo
Isang aral na kayhirap agad kalimutan
Sa ating puso at sa bawat nilalang
Makakatawid din tayo
Kung ang pag-ibig iaalay sa kapwa mo
Mayrong isang umagang gigising sayo
Na may ngiti't saya sa hamon ng mundo
Di ka mag-iisa
Bawat laban ay sama-sama tayo