Mia Rollo

Makapiling Ka


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Pagdilat
Ikaw agad ang hinahanap sa umaga
Nasaan ka na
Malayo ka pa ba
Kay tagal ng iyong pagbabalik

Minsan
Nahuli ko ang sariling nakangiti
Malayo ang tingin
Malalim ang isip
Kailangang magkitang muli

Sa pagpatak ng bawat sandali
Nakatikom lagi ang aking mga labi
Inaaliw ang sarili sa musika
Nananabik
Makapiling ka
Makapiling ka

Pagdungaw
Meron kayang mabuting balitang darating
Ihahanda kong pagngiti
Kasabay ng pagsambit
Sa ngalan mo pagdating ng sandali

Sa pagpatak ng bawat sandali
Nakatikom lagi ang aking mga labi
Inaaliw ang sarili sa musika
Nananabik
Makapiling ka
Makapiling ka

Lalong lumalapit
Araw na pagsapit
Di magkukulang
Laging nag-aabang oh

Sa pagpatak ng bawat sandali (ng bawat sandali)
Nakatikom lagi ang aking mga labi (nakaitkom ang mga labi)
Inaaliw ang sarili sa musika
Nananabik
Makapiling ka (sa pagpatak ng bawat sandali)
Makapiling ka (nakatikom lagi ang aking mga labi)
Makapiling ka (inaaliw ang sarili sa musika)
Makapiling ka (nananabik)
Makapiling ka makapiling ka