Mimo Perez

Manalig Ka Lang Sa Bayan Natin


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Oh oh

Malayo-layo na rin
Ang ating nilalakbay
At sa paglipas ng panahon
Tayo ay tumitibay
Mahaba-haba na rin
Ang paglalayag natin
Ngunit hindi nasasaid ang pag-asang makarating

Kahit kaila'y huwag mawawala paniniwala
Sa 'ting bansang tunay na pinagpala
Maibabalik muli karangalan natin
Manalig ka lang sa bayan natin

Oh oh

Matagal-tagal na ring
Tayo ay naghihintay
At ngayon pagbabago
Ay tila abot kamay
Marami-rami na rin
Ang pinagdaanan
Tambak man ng kapalpakan madami ring natutunan

Kahit kaila'y huwag mawawala paniniwala
Sa 'ting bansang tunay na pinagpala
Maibabalik muli karangalan natin
Manalig ka lang sa bayan natin

Kahit kaila'y huwag mawawala paniniwala
Sa 'ting bansang tunay na pinagpala
Maibabalik muli karangalan natin
Manalig ka lang sa bayan natin

Kahit kaila'y huwag mawawala paniniwala
Sa 'ting bansang tunay na pinagpala
Maibabalik muli karangalan natin
Manalig ka lang sa bayan natin

Oh oh oh