
Manang, Isinalin Na
Karangalan kong tawaging anak ng Diyos
Na may likha ng langit at lupa
Isinama sa lahi ni Abraham
Na tumatalima't may takot sa kanya
At doo'y pinagpala siyang lubos
At sa atin isinalin
Ang saya-saya ko
Tuwang-tuwa ako
Ako'y merong manang tinanggap na
Ang saya-saya ko
Tuwang-tuwa ako
Ako'y pinagpala upang maging
Pagpapala sa iba
Ako'y napapasayaw at napapaindak
Sa ginagawa sa akin ng Diyos
Isinama sa lahi ni Abraham
Na tumatalima't may takot sa kanya
Mula sa pagsikat ng araw at sa paglubog nito
Laging sinasambit
Ang saya-saya ko
Tuwang-tuwa ako
Ako'y merong manang tinanggap na
Ang saya-saya ko
Tuwang-tuwa ako
Ako'y pinagpala upang maging
Pagpapala sa iba
Halina't magsaya't magpuri
Sa kabutihan ng Diyos
Sa saliw ng tugtog umindak magalak
Halina't magsaya't magpuri sa katapatan ng Diyos
Magpuri sa bigay ng Diyos
Ang saya-saya ko
Tuwang-tuwa ako
Ako'y merong manang tinanggap na
Ang saya-saya ko
Tuwang-tuwa ako
Ako'y pinagpala upang maging
Pagpapala sa iba
Ang saya-saya ko
Tuwang-tuwa ako
Ako'y merong manang tinanggap na
Ang saya-saya ko
Tuwang-tuwa ako
Ako'y pinagpala upang maging
Pagpapala sa iba