
Marupok Na Sumpa
Sumumpa kang ako ang iibigin
At ang pagsuyo mo'y 'di magmamaliw
Sa init ng halik
Nagtiwala ako sa iyong pag-giliw
Pinaasa-asa mo sa iyong pag-ibig
Na ako ang mahal mo hanggang langit
Ang sumpa mo pala
Marupok na bula ang kawangis
Kailanman ay di ko malilimutan
Na ikaw pala'y salawahan
Luluha ka rin at pagdating ng araw
Maalala mong ako'y iyong mahal
Mapait na luha at pagdurusa
Ang sa aki'y naiwang alaala
Buti pang mamatay
At sa langit ako liligaya
Kailanman ay di ko malilimutan
Na ikaw pala'y salawahan
Luluha ka rin at pagdating ng araw
Maalala mong ako'y iyong mahal
Mapait na luha at pagdurusa
Ang sa aki'y naiwang alaala
Buti pang mamatay
At sa langit ako liligaya