Ruben Tagalog

Masayang Pasko Po Ninong


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Masayang Pasko po ninong kamusta kayo ngayon
Nang kayo ay mamasdan ko sumigla ang puso ko
Sa inyong inaginaldo salamat po ninong ko
At dahil sa pagdalaw niyo kay ganda nitong Pasko

Kay saya ng mga bata kung Pasko'y tigib ng tuwa
May handog bawat binata sa kanyang minumutya
Kahit ang nagtatampuhan nang Pasko'y nag-ngitian
Ang Pasko'y dakilang araw ang mundo'y nagdiriwang

Kami po'y nagpapaalam maraming salamat po
Bakit kung Pasko na lamang kung tayo ay magtagpo
Kay saya ng mga bata kung Pasko'y tigib ng tuwa
Ang Pasko'y dakilang araw ang mundo'y nagdiriwang
Ang Pasko'y dakilang araw ang mundo'y nagdiriwang