
May Ligaya Pang Darating
Huwag mong sayangin
Ang mga luha
Kung siya ngayo'y
Lumayo at biglang nawala
Bagong pag-ibig
Bagong pag-asa
Naghihintay
Dapat ay limutin na
Mayron pang ligayang darating
Dapat ay 'yong hintayin
Kung ikaw man ay bigo ngayon
Huwag mong damdamin
Narito akong nagmamahal
Bakit di mo pansinin
Nang malaman mong sa piling ko
Ay may langit din
Huwag mong buhayin
Ang alaala
Ng nagdaang
Mapait na pagsinta
Ang nakalipas
Ay nawala na
Huwag asahang
Ito ay babalik pa
Narito akong nagmamahal
Ng tapat sayo sinta
Kabiguan mo'y limutin na
Ng lumigaya ka
Sa lamig at lungkot ng gabi
Di ka na mag-iisa
Sa yakap at init ng halik
Ay liligaya ka