Brando bal

Mga Demonyo


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Naglalakad nang makita ko si Pedro
Nakalugmok at malungkot mata'y walang anino
Ako'y nagtanong-tanong kung may nalalaman ang iba
Ito lang ang alam nila

Isang anghel ang nag-alok ng mahiwagang mahika
Sabi nya'y halika na
Hinding hindi ka magsasawa kasiyahan ang dala
Lahat ay pupwede mong makuha

Ang 'di niya alam
Ang lahat ng bagay ay may sungay
'Di niya alam ang lahat

Huwag kang basta-basta hahakbang
Ang lahat ay 'di mo pa alam
Kung sila'y demonyo na nag-anyong anghel lamang

Huwag kang basta-basta sasama
Sa mga hindi mo kilala
Pwede siyang demonyo na nag-anyong anghel lamang

Balik balik na sa mundo mula sa langit
Ako'y tumalon dahil sa espadang tusok tusok na sa akin
Pumunta munang lupa upang puso ay aking sundin

Upang makamit ang kung anong magpapaunlad sa akin
At pagbalik ko sa itaas na tahanan laking gulat sa likod ako'y tinamaan
Dahil sa espadang pagpapaulan

Hindi 'di ko alam
Ang lahat ng bagay ay may sungay
Hindi ko alam ang lahat

Huwag kang basta-basta hahakbang
Ang lahat ay 'di mo pa alam
Kung sila'y demonyo na nag-anyong anghel lamang

Huwag kang basta-basta sasama
Sa mga hindi mo kilala
Pwede siyang demonyo na nag-anyong anghel lamang