
Misyon
Hangga't may isang nagugutom
Hangga't may isang nauuhaw
Hangga't mayroon mga pusong nagdurusa't namamanglaw
Hangga't mayroon naaalipin sa layaw ay nalululong
Tayo ay mayroon gawain
Tayo ay mayroon misyon
Hangga't may isang naulila
Hangga't may isang nakapiit
May kapansanan't napinsala
Naimbalo't nagkasakit
Hangga't may isip at damdamin
Naghahagilap ng tugon
Tayo ay mayroon gawain
Tayo ay mayroon misyon
Hangga't ang kanyang katarungan
Pagpapala at pagmamahal
Mangyari sa sandaigdigan at pangalan Niya'y itanghal
Hangga't may luhang papahirin
Hangga't may pagkakataon
Tayo ay mayroon gawain
Tayo ay mayroon misyon