
Naglahong Sumpa
Tayo ay nagsuyuan nagsumpaan habang buhay
Ng ating pag-ibig
Ay hindi na namamatay
Kaya ang aking puso'y lagi sa kaligayahan
Pagkat batid kong tunay
Ang iyong pagmamahal
Nasaan ang taimtim at wagas na sumpa mo
Nasaan ang sabi mo na di ka maglililo
Nasaan ang pagsuyo mong aliw ng puso ko
Di ko akalaing
Dagli kang magbago
Nasaan ang halik mo na ligaya kong tunay
Nasaan ang pagsintang katumbas ng iyong buhay
Naririto at hindi na iibig pa kailanman
Kung di rin lang makamit ang iyong pagmamahal
Naririto at hindi na iibig pa kailanman
Kung di rin lang makamit ang iyong pagmamahal
Puso ko'y liligaya
Sa iyo lamang