
Nahahabag Ako Sa Iyo
Lumayo ka man hirang
Sa puso kong nagmamahal
Di kita sisisihin
Lamang ako ay nagdaramdam
Di ako nagagalit
Kahit winasak mo'y yaring dibdib
Ang tapat sa pag-ibig
Walang hindi tinitiis
Walang sapat na dahilan
Upang ako'y pagtampuhan
Wala akong kasalanang nalalaman
Sa pagmamahal at kung nagkasala ka man
Sino akong di ka pagbibigyan
Sa pagkakamali mo
Nahahabag ako sayo
At kung nagkasala ka man
Sino akong di ka pagbibigyan
Sa pagkakamali mo
Nahahabag ako sayo