
Nakakapagpabagabag
Kamusta bakit tila dumatal ang kaba
Ano ba ang agam-agam na bumabagabag
Ang dinadamdam nila'y mahirap ipinta
Bakit pa ba ako nagtataka
Ako ba'ng may kasalanan kung bakit naiwan sila
Ako nga itong nagpaparaya para sa adhikaing walang patutunguhan
O kay saklap
Pa'no ba tayo magkakaisa
Sinabihan na kitang tumakbo papalayo sa mundong
Nakakapagpabagabag
Pinilit kong sagipin ang mga naliligaw sa dilim
Nakakapagpabagabag
Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga luha
Ngunit mahal pa rin kita
Kasalanan ko pa ba na di mo na ako makikita
Nakakapagpabagabag
Mas sanay na akong maglakad ng nakapiring ang aking mata
Habang buhay ko nang pinagsisisihan na iniwan ang tanging sidha sa puso
Naglahong parang usok
'Di na maibabalik pa
Parang sa panaginip ko lang masisilayan ang mukha nila
Parang awa mo na hindi na mauulit ang panganib
Masarap makinig sa inyong mga paghihinagpis
Na tila ubod ng tamis
Sinabihan ko silang bilisan ang pagtakbo sa mundong
Nakakapagpabagabag
Di sila nakikinig ngunit ngayo'y nagmamakaawa
Nagpapatawa ba sila
Naniwala pa ako sa sinungaling n'yong mga mata
Ngunit kami'y mali rin ba
Sino nga lang ba ako para iligtas ang inyong diwa
Nakakapagpabagabag
Bakit ba ako nababahala sa mundong ito
Nakakapagpabagabag ba
Pinilit kong sagipin ngunit sila'y nasakop na ng dilim
Nakakapagpabagabag
Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga luha
Ngunit huli na ang lahat
Kasalanan ko pa ba na di mo na ako makikita
Nakakapagpabagabag