
Nakuha Mo Pang Magalit
Noo'y tinatanong pa lang kita kung sino siya
Ang sabi mo siya ay kaibigan lang
At dahil nais kong umiwas ka sa kaniya
Ang hirit mo agad ika'y nasasakal
Kaya hanggang ngayon 'di maisawang magtaka
Ako'y biglang iniwan mo't ikaw ngayo'y nasa piling niya
At nakuha mo pang magalit
Eh ikaw na nga itong nakasakit
Sa dami ng aking mga tanong
Sagot mo ay bakit basta at ewan
Ang kapal mo naman at
Nakuha mo pang magalit
Nilihim mo sa akin ang lahat ng tungkol sa kaniya (lahat)
Akala ko sa akin ika'y tapat
Kaya't kahit anong pagsisikap ang aking gawin
Lahat ng 'yon sadyang wala nang halaga
Kaya hanggang ngayon 'di maiwasang magtaka
Ako'y biglang iniwan mo't ikaw ngayo'y nasa piling niya
At nakuha mo pang magalit
Eh ikaw na nga itong nakasakit
Sa dami ng aking mga tanong
Sagot mo ay bakit basta at ewan
Ang kapal mo naman at
Nakuha mo pang magalit
Ika'y hindi man lang nagpaliwanag (nagpaliwanag)
Gusto ko lang naman malaman kung bakit (malaman)
Ako'y iniwan mo ng ganun-ganun na lang (oh)
At nakuha mo pang magalit oh (magalit)
Eh ikaw na nga itong nakasakit (nakasakit)
Semento ba 'yang nasa 'yong mukha
Ikaw pa ngayon ang nagwawala
Oh ang tigas mo naman at nakuha mo pang magalit