Rockstar 2

Nang Siya'y Mawalay


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ang sabi mo'y wala nang pag-ibig
Na naiiwan sa iyong dibdib
Bakit hinayaang umalis
At sa iba siya ay pinagpalit

Sabi kong siya'y di ko na mahal
Dahil pagod na aking puso't isipan
Ngunit nang ako'y mapag-isa
Di naramdamang mahal ko sya

Nang sya'y mawalay saka nalaman
Kanyang pag-ibig ang tanging kailangan
Paano kung siya'y iba na ang mahal
Pa'no ang pag-ibig na nararamdaman

Alam ko na sya ay mahal mo pa
Kilos mo ay aking nakikita
Ngunit paano na ang aking puso
Alam mo bang sya ay mahal ko na

Di naman kita sinissi
Ngunit ito'y sadyang di ko kayang itanggi
Nadarama pa ring mahal ko sya
Pag-ibig nya'y nadarama mo ba

Nang sya'y mawalay saka nalaman
Kanyang pag-ibig ang tanging kailangan
Paano kung siya'y iba na ang mahal
Pa'no ang pag-ibig na nararamdaman

Nang sya'y mawalay saka nalaman
Kanyang pag-ibig ang tanging kailangan
Paano kung siya'y iba na ang mahal
Pa'no ang pag-ibig na nararamdaman

Nang sya'y mawalay saka nalaman
Kaniyang pag-ibig ang tanging kailangan
Paano kung siya'y iba na ang mahal
Pa'no ang pag-ibig na nararamdaman