
Nanjan
Minsan tayo'y biglang nagsama
Kailan hindi ko maalala
Basta't alam ko lang noon ay
Tawa ka ng tawa
Sa jokes kong sobrang corny at
Mas luma pa kay lola
Nasan ka na kaya
Magpakita ka naman sana
Bakit kaya biglaan ka na lamang nawala
Kay tagal ko nang naghihintay sayo
Hindi pa rin sumuko
Di ko man lang nalaman ang pangalan mo
Sabi nila ay wag na daw akong aasa pa
Na magbabalik ka pa
Kung saan tayo huling nagkita
Biglaan ka na lang tumawa ng tumawa
Sa jokes kong sobrang corny at
Mas luma pa kay lola
Nanjan ka lang pala
Bakit di ka man lang nagsasalita
Akala ko'y tuluyan ka na lamang nawala
Kay tagal ko nang naghihintay sayo
Anong pangalan mo
Sana'y palagi ka na lang nanjan sa tabi ko
Nawawala dumarating
Hindi man lang napapansin
Nawawala dumarating
Eto na naman
Nanjan ka lang pala
Bakit di ka man lang nagsasalita
Akala ko'y tuluyan ka na lamang nawala
Kay tagal ko nang naghihintay sayo
Anong pangalan mo
Sana'y palagi ka na lang nanjan sa tabi ko
Nanjan ka lang pala
Bakit di ka man lang nagsasalita
Akala ko'y tuluyan ka na lamang nawala
Kay tagal ko nang naghihintay sayo
Anong pangalan mo
Sana'y palagi ka na lang nanjan sa tabi ko