Roel Cortez

Napakasakit Kuya Eddie


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Akong naririto nagbabanat ng buto
Sa mainit na siyudad sa bansa ng Arabiano
Anong hirap talaga ang kumita ng pera
Kakapal ang iyong kamay masusunog pa ang kulay

Sa aking pagtulog ang laging iniisip
Bumilis na ang araw upang ako'y makabalik
Itinigil ang bisyo alak sugal sigarilyo
Upang makaipon magtitiis na lang ako

Napakasakit kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin

At ako ay natuwa sumulat ang aking anak
Ako ay nabigla at agad ay lumuha
Itay umuwi ka dalian mo lang sana
Si inay ay may iba nagtataksil sayo ama

Napakasakit kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin

At ako ay umuwi gabi na nang dumating
Ang dal'wa kong anak sa malayo nakatingin
Mata'y namumula halos nakapikit na
Ang kanilang kamay may hawak na marijuana

Ngunit ang masakit ako'y nagtataka
Dalawa naming anak bakit ngayon ay tatlo na
Mahal kong asawa may kasama na siyang iba
Anong lupit naman dala pa ang aking pera

Napakasakit kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin

Napakasakit kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin

Napakasakit