
Narda
Tila ibon kong lumipad
Sumabay sa hangin
Ako'y napatingin
Sa dalagang nababalot ng hiwaga
Mapapansin kaya
Sa dami ng 'yong ginagawa
Kung kaagaw ko ang lahat
May pagasa bang makilala ka
Awit na nananawagan
Baka sakaling mapakikinggan
Pag-ibig na palaisipan
Sa kanta nalang idaraan
Nag-aabang sa langit
Sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala
Kahit sulyap lang darna
Tumalon kaya ako sa bangin
Upang iyong sagipin
Yan lang ang tanging paraan
Para mayakap ka
Darating kaya
Sa dami ng yong ginagawa
Kung kaagaw ko sila
Paano na kaya
Awit na nananawagan
Baka sakaling mapakikinggan
Pag-ibig na palaisipan
Sa kanta nalang idaraan
Nag-aabang sa langit
Sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala
Kahit sulyap lang darna
Nag-aabang sa langit
Sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala
Kahit sulyap lang darna