
Naririnig mo ba
Nakalimutan ko nang lahat ng dahilan
Pati ang pag-asang muli kang mahagkan
Lumilipas ang oras sa'king pagkukunwari
Pag-asa ko'y di ko na magisnan
Bakit ang limutin ka'y di ko matutunan
Laging nangangarap na ikaw ay makitang muli
Ano ang dapat gawin sabihin mo sa akin
Ako'y maghihintay
Hindi ko na makita
Ang buhay ko kung wala ka
Pag-ibig mo ang pag-asa
Naririnig mo ba
Hindi mo ba naririnig
Tinatawag kita sa aking panaginip
Iniisip kita ako ba'y iniisip mo rin
Nagtatanong kung ika'y babalik
Sagot mo'y pag-asang bibigay ng langit
Kailan malalaman oh ang buhay ay sobrang iksi
Ano ang dapat gawin sabihin mo sa akin
Ako'y maghihintay
Hindi ko na makita
Ang buhay ko kung wala ka
Pag-ibig mo ang pag-asa
Naririnig mo ba
Naririnig mo ba
Naririnig mo ba
Pakita mo ang daan na aking pupuntahan
Buhay ko ilalaan
Hindi ko na makita
Ang buhay ko kung wala ka
Pag-ibig mo ang pag-asa
Naririnig mo ba
Hindi ko na makita
Ang buhay ko kung wala ka
Pag-ibig mo ang pag-asa
Naririnig mo ba
Naririnig mo ba
Naririnig mo ba