Mimo Perez

Narito Ang Langit


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Narito ang langit
Kahit sa lupa ay makakamit ang langit
Basta't pag-ibig ang mananaig sayong dibdib
Sa halip na galit at inggit

Narito ang langit
Kung may pag-ibig mga bata ay aawit
Katulad ng mga anghel na nasa langit
Di nga malayo sa 'tin ang langit

Ibalik natin ang dating kulay ng mundo
Tiwala pang-unawa pagkakasundo
Mga batang dati'y umiiyak
Ngayo'y magagalak sa bagong langit

Halika na sumama ka tumulong ka
Diligin ng pag-ibig ang daigdig
Upang sa bawat sandali ng buhay sa mundo
Masasabi nating narito ang langit

Dito'y pag-ibig lang ang awit na maririnig
Dito bawat isa'y ituturing na kapatid
Diba't kay lapit lang sa 'tin ng langit

Ibalik natin ang dating kulay ng mundo
Tiwala pang-unawa pagkakasundo
Mga batang dati'y umiiyak
Ngayo'y magagalak sa bagong langit

Halika na sumama ka tumulong ka
Diligin ng pag-ibig ang daigdig
Upang sa bawat sandali ng buhay sa mundo
Masasabi nating narito ang langit
Narito ang langit
Narito ang langit
Narito ang langit
Narito ang langit
Narito ang langit
Narito ang langit
Narito ang langit