
Nasa Sa Isip Kita
Gabi at araw
Ay nasa sa isip kita
Lagi na lamang
Na hinahanap ka
At kung ikaw
Ay hindi ko nakikita
Ang buhay ko'y
Nawawalan ng pag-asa
Nasa sa isip kita
Sa tuwi-tuwina
Sa kalungkutan
O sa ligaya
Lalo na kung ako'y nag-iisa
Ang isip ko'y lagi na lamang
Sa iyo sinta
Lalo na kung ako'y nag-iisa
Ang isip ko'y lagi na lamang
Sa iyo sinta