
Nasaan ka Inday
Nasaan ka Inday
Di kita malimot
Sa lahat ng saglit
Ako'y nalulungkot
Luha kong kay saklap
Ay ayaw matapos
Sa buong magdamag
Batis na umaagos
Sa aking puso
Ay may larawan ka
Na lagi kong sinasamba
Habang ako'y may hininga
Kailan ba giliw
Muling makakamtan
Ang dati mong pagmamahal
Na tunay kong aliw Inday
Sa aking puso
Ay may larawan ka
Na lagi kong sinasamba
Habang ako'y may hininga
Kailan ba giliw
Muling makakamtan
Ang dati mong pagmamahal
Na tunay kong aliw Inday Inday Inday