
Natutulog ka na ba, Sinta?
Natutulog ka na ba sinta
Sa dilim nitong hating-gabi
Ay dinggin ang harana
Nitong puso kong nababaliw
Sa taglay mong ganda
Tinig ko ay namamaos na
Pagting ng kudyapi lagot pa
Magdamag ay hinihintay ka
Ngayo'y umaga na
Dati'y di ko nalalaman
Kung ano ang pagmamahal
Ngunit sa iyong ganda
Itong puso'y nanambikan
Sana'y bumangon ka
At dumungaw ka man lamang
Giliw manalig kang
Sa puso ko'y mahal kang tunay
Dati'y di ko nalalaman
Kung ano ang pagmamahal
Ngunit sa iyong ganda
Itong puso'y nanambikan
Sana'y bumangon ka
At dumungaw ka man lamang
Giliw manalig kang
Sa puso ko'y mahal kang tunay