Khavn

Nawawala Ang Salitang Pag-Ibig


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Nawawala ang salitang pag-ibig
Nawawala ang salitang pag-ibig

Nasaan? tanong ko sa iyo
At bigla kang tumakbo
Hinabol kita
May nadaanan tayong pusong kasintaas ng tao
Tumitibok kahit nag-iisa
Pulang-pula
Tumutulo ng dugo

Nawawala ang salitang pag-ibig
Nawawala ang salitang pag-ibig

Nadudurog ang mga batong naapakan natin
Napipisa ang kanilang mukha
Lumiko ka sa isang kanto ng gusali
Kumaskas ang balat
Napunitan ka
Retaso sa magaspang na semento

Hindi kita maabut-abutan
Hindi kita maabut-abutan

Pagkakuha ng balat mo, nakita kita, nakaupo sa bangko
At tinanong kita sa huling pagkakataon, Mahal mo ba ako?
Oo
Pero ako, mahal mo ba?

Nawawala ang salitang pag-ibig
Nawawala ang salitang pag-ibig
Salitang pag-ibig
Nawawala ang salitang pag-ibig
Nawawala


Autor(es): Khavn