Ruben Tagalog

Ngayon At Kailan Man


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ngayon at kailan man
Walang pagkamatay
Sa alaala ko ang tunay mong pagmamahal
Habang may hininga
Ay aalayan ka
Ng isang pag-ibig na wala nang kapantay

Ngayon at kailan man
Idadalangin ko
Na ang pag-ibig mo'y huwag sanang magbago
Giliw
Di maglililo
Ako'y iyo ngayon at kailan man

At huwag ka rin namang mag-aalinlangan
Pagkat pangarap ka sa gabi at araw
At kung may dusa ka't ika'y namamanglaw
Sa pagsuyo ko'y mapaparam
Kay hirap nga pala
May buhay man ikaw
Kung ang pag-ibig mo'y masasawi lamang
Giliw iyong asahan
Ako'y iyo ngayon at kailan man

At kung may dusa ka't ika'y namamanglaw
Sa pagsuyo ko'y mapaparam
Kay hirap nga pala
May buhay man ikaw
Kung ang pag-ibig mo'y masasawi lamang
Giliw iyong asahan
Ako'y iyo ngayon at kailan man