ASOP

O Ama


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Habang bata pa alalahanin ka
Bago pa nga ang masamang araw na
O Ama o Ama
Hanggang sa pagtanda mga tema ng akda
Bawat pahina sa aking talambuhay ay ikaw
O Ama

Salamat o Ama sa iyong kabutihan
At tinawag mo ako sa aking kabataan
Upang ikaw ay mapaglingkuran
Sa loob ng bayan mo
‘Di ko talaga inaasahang
Ako’y makakabilang sa banal mong bayan
Kaya ngayon ay naririto
Nagpapahayag ng pasasalamat sa iyo

Habang bata pa alalahanin ka
Bago pa nga ang masamang araw na
O Ama o Ama
Hanggang sa pagtanda mga tema ng akda
Bawat pahina sa aking talambuhay ay ikaw
O Ama

Dukha man ako at bata sa gulang
Maglilingkod sa’yo kahit na magkulang
At buhay lakas ilalaan
Papupurihan aawitan ka nang magpakailanman
Ikaw ang siyang aking iibigin
Ngalan mo ay laging luluwalhatiin
O Amang banal salamat sa pagtawag
Ibinilang mo ako na lingkod mong tunay kaya

Habang bata pa alalahanin ka
Bago pa nga ang masamang araw na
O Ama o Ama
Hanggang sa pagtanda mga tema ng akda
Bawat pahina sa aking talambuhay ay ikaw
O Ama

Kaya ipinapahayag sa iyo
Nagpapasalamat sa pag-ibig mo
Salamat po
Nawa’y marapatin mo
Ang pagpupuri sa iyo
Pagpupuri sa iyo

Habang bata pa alalahanin ka
Bago pa nga ang masamang araw na
O Ama o Ama
Hanggang sa pagtanda mga tema ng akda (mga tema ng akda)
Bawat pahina sa aking talambuhay ay ikaw (ay ikaw)
O Ama

Habang bata pa alalahanin ka
Bago pa nga ang masamang araw na
O Ama o Ama
O Ama