
O, Ilaw
O ilaw
Sa gabing malamig
Wangis mo'y
Bituin sa langit
O tanglaw
Sa gabing tahimik
Larawan mo Neneng
Nagbigay pasakit (ay)
Gising na't magbangon
Sa pagkagupiling
Sa pagkakatulog
Na lubhang mahimbing
Buksan ang bintana
At ako'y dungawin
Nang mapagtanto mo ang tunay kong pagdaing
O ilaw
Sa gabing malamig
Wangis mo'y
Bituin sa langit
O tanglaw
Sa gabing tahimik larawan mo Neneng
Nagbigay pasakit (ay)
Gising na't magbangon
Sa pagkagupiling
Sa pagkakatulog
Na lubhang mahimbing
Buksan ang bintana
At ako'y dungawin nang mapagtanto mo
Ang tunay kong pagdaing