
Pa-Fall
Huwag mo 'kong tititigan nang parang
Mayron tayong kinabukasan dalawa
Huwag mo 'kong hahawakan nang parang
Hindi ka bibitaw pa sa 'kin sinta
Hindi kita mapapatawad
Pag ang puso ko ay nalaglag at di mo man lang sinalo't
Hinayaang mabasag kaya
Huwag mong katukin ang puso na
Nananahimik kung ikaw ay dadaan lang
Huwag mong sayangin ang aking ngayon
Kung mawawala ka rin pala kinabukasan
Hindi kita mapapatawad
Pag ang puso ko ay nalaglag at di mo man lang sinalo't
Hinayaang mabasag kaya
Di ko kailangan ang ngiti na pansamantala
Di ko kailangan ang haplos na mapapasaiba
Di ko kailangan ng yakap na para bang bulag
Di ko kailangan ang pag-ibig na nawawala oh
Huwag kang lumapit
Huwag mong titigan
Baka di kayanin
Ang mapagbigyan
Ang aking pusong uto-uto
Kaya't kung pwede ikaw na ay lumayo
Huwag na huwag kang lumapit
Lumayo ka na sa akin
Huwag na huwag ka nang lumapit
Lumayo ka na sa akin
Huwag na huwag ka nang lumapit
Lumayo ka na sa akin