Xian Lim

Paalam Muna


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Hanggang dito na lang ba ang kuwento nating dalawa
Urong-sulong ang simula ngunit bakit ang pagtatapos ay bigla

'Di pa ako handa
Sa iyong biglang paglisan nang kusa
Wala na akong magagawa
Kailangang sabihin na

Paalam muna mahal ko
Hanggang dito munang ating yugto
Nais ko man ika'y manatili
Sa ngayo'y di na to maaari
Kaya paalam muna

May nasabi bang mali
Kaya ang paglambing mo ay biglang kumubli
Akala ko ikaw na ang siyang papawi ng pait at hapdi
Ngunit di na maaari
Kailangang hayaan na ika'y umalis
Wala na akong magagawa
Kailangang sabihin na

Paalam muna mahal ko
Hanggang dito munang ating yugto
Nais ko man ika'y manatili
Sa ngayo'y di na to maaari

Baka sa hinaharap
Pwede pang bumalik ang damdaming nawala
Sa isang panahong walang hahadlang
Sa mga pusong naghahanap
Ngunit sa ngayon (paalam muna)
Mahal ko hanggang dito munang ating yugto
Nais ko mang ika'y manatili
Sa ngayo'y di na to maaari

Kaya paalam muna mahal ko
Hanggang dito munang ating yugto
Nais ko mang ika'y manatili
Sa ngayo'y di na to maaari
Kaya paalam muna
Oh oh oh