Nina

Paano


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Tila ba kahapon na nang tayo'y nagsumpaan
Di natin iiwan samahang ito magpakailanman
Ngunit ano nga bang nagbago bakit ako ay bigo sa'yo
Sinabi mo pag-ibig mo'y wagas
Bakit ngayon tila wala ng bukas

Paano ba kita malilimutan
Kung ang buhay ko sayo'y nilaan
Kahit anong pilit di magawang
Limutin ang ating nakaraan
Pa'no ba kita malilimutan
Kung sayo pa rin nakalaan
Itong pusong to nagsusumamo
Kung paano

Ikaw ba ay alinlang
O sadyang ganon ka lamang
Nais kong malaman
Bakit lumisan anong dahilan
Bakit pa pinagtagpo
Kung mundo ko pala'y guguho
Sinabi mo pag-ibig mo'y wagas
Bakit ngayon tila wala ng bukas

Paano ba kita malilimutan
Kung buhay ko sayo'y nilaan
Kahit anong pilit di magawa
Limutin ang ating nakaraan
Pa'no ba kita malilimutan
Kung sayo pa rin nakalaan
Itong pusong to nagsusumamo
Kung paano

Sinisigaw ang aking puso
Pangalan mo hanggang pagtulog ko,
Magpa-hanggang ngayon
Umaasa na tayong dalawa'y
Magkasama sa habang panahon
Mamahalin kita

Paano ba kita malilimutan
Kung buhay ko sayo'y nilaan
Kahit anong pilit di magawang
Limutin ang atin nakaraan
Pa'no ba kita malilimutan
Kung sayo pa rin nakalaan
Itong pusong to pagsusumamo kung paano