
Paasa-kalye
Sinabi mo magtatagpo tayo
Sa eskinita ng ating puso
At sabay tayong magtutungo
Kung saan espesyal ang tagpo
Pero biglang nag-iba na ang tono
Iyong hakbang di sabay sa tyempo
At ngayo'y naliligaw ang aking puso
Parang kantang walang intro intro
Naglalakbay at gulong-gulo
Wasak at litong-lito
Akala ko sa paraiso tayo
Heto pala ako ngayon sa paasa-kalye mo (oh yeah)
Pahawak-hawak pang mga kamay
Walang pake kahit sinong makakita (ah)
Ngayo'y wala na akong gabay
Pahara-hara at nag-iisa
Nandito sa masikip na dibdib
Masalimuot ang bawat pintig
Sa madulas at matinik
Sa tagpuang madilim
Aasa asa pa kasi
Ayan ang napala naman kasi
Iiwan sa bandang huli
Ako sa dulo ng paasa-kalye
Sa paasa-kalye mo
Pinaikot-ikot-ikot lang ako
Sa paasa-kalye mo
Pinasikot-sikot-sikot lang ang puso
Ayoko nang muling madapa
Nagsawa nang maghintay sa wala (ah)
Pagtapos ng magmukhang tanga
Nganga sa paasa-kalye (yeah)
Paasa-kalye (yeah)
Paasa ka yeah