
Pag-Ibig Mo'y Nasaan
Ano itong naramdaman
Sabihin mo naman ang puso ko'y
Laging nasasaktan
Kahit na kasama ka tila nag-iisa
Di tayo ganito noong di ba
Ano nga ba ang gagawin
Sa nangyayari sa atin
Ang laman ng puso ay ating sabihin
Nasaan na ang iyong pag-ibig
Bakit nga ba 'di na nananabik
Ibalik natin ang pagmamahalan
Pag-ibig mo'y nasaan
O ibang iba na nga
May ligayang nawala
Hindi maibalik dating tuwa
Dahan dahang nakita
Lumalayo ka na
Usapan bay tinatapos ko na
Ano nga ba ang gagawin
Sa nangyayari sa atin
Ang laman ng puso ay ating sabihin
Nasaan na ang iyong pag-ibig
Bakit nga ba 'di na nananabik
Ibalik natin ang pagmamahalan
Pag-ibig mo'y nasaan
Nais ko nais magbalik
Pag-ibig na minsa'y natagpuan nating dalawa
May pag-asa bang lumigaya
Tayo pa ay para sa isa't isa
Nasaan na ang iyong pag-ibig (nasaan na)
Bakit nga ba 'di na nananabik
Ibalik natin ang pagmamahalan (ibalik na natin)
Ibalik natin
Nasaan na ang iyong pag-ibig (nasaan na)
Bakit nga ba 'di na nananabik (bakit nga ba)
Ibalik natin ang pagmamahalan
Pag-ibig mo'y nasaan
Nasaan
Pag-ibig mo'y nasaan