
Pag-Ibig Ng Buhay Ko
Mula sa 'king pag-gising minamasdan ko
Ang hawak kong larawang alaala mo
Araw ay di kumpleto pag walang ngiti mo
Dahil ikaw ang pag-ibig ng buhay ko
Sa buong maghapon ang inspirasyon ko
Ang lambing at mga pangako mo
Sana ay di biro ang mga sinabi mo
Dahil ikaw nga ang pag-ibig ng buhay ko
Buhay ay masaya
Walang hanggan ang dulot na ligaya
Lahat ay makulay
Kapag may pag-ibig sa ating buhay
Pagsapit ng dilim isip ko'y ikaw pa rin
Mga sandaling pinagsaluhan natin
Bawat oras kay bilis na dumating
Ang alaala ng pag-ibig natin
Buhay ay masaya
Walang hanggan ang dulot na ligaya
Lahat ay makulay
Kapag may pag-ibig sa ating buhay
Puno ng lambingan awitan at kwentuhan
Mga munting pangarap na ating usapan
Sa lahat ng ito ikaw ang kasama ko
Dahil ikaw ang pag-ibig ng buhay ko
Na ra
Habang buhay ako sa iyong piling
Ikaw lamang ang iibigin
Wala nang iba pang hahanapin
Dahil ikaw ang pag-ibig ng buhay ko (oh)
Dahil ikaw ang pag-ibig ng buhay ko
Ikaw ang pag-ibig ng buhay ko