Hangad

Pagbabasbas


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Panginoong lumikha ng kalangitan at lupa
Ang sansinukuban ay 'di sukat sa 'yong kadakilaan
Ano pa kaya itong abang tahanan

Ngunit ikaw ang ama na sa amin nagkalinga
Sa harap ng 'yong dambana
Kaya't sa samo ng madla magdalang habag ka

Pumanaog ka poon
Sa tahanang laan sa 'yong kalwalhatian
Puspusin mo ng biyaya
Ang dumudulog sa 'yong dambana

Magdalang habag ka

Pumanaog ka poon
Sa tahanang laan sa 'yong kalwalhatian
Puspusin mo ng biyaya
Ang dumudulog sa 'yong dambana

Pumanaog ka poon
Sa tahanang laan sa 'yong kalwalhatian
Puspusin mo ng biyaya
Ang dumudulog sa 'yong dambana

Panginoong lumikha ng kalangitan at lupa
Ang sansinukuban ay 'di sukat sa 'yong kadakilaan
Ano pa kaya itong abang tahanan (itong abang)