
Pagbigyan Sana
May tunog na gumugulo sa puso at isip ko
Kung pwede bang pagbigyan ang nadarama
At ang pag-ibig ko sayo
Hindi ko rin alam kung bakit palaging
Bumabalik ito
Sadya nga lang ba
Ang tadhana pagdating sa atin ay mapaglaro
Pagbigyan sana ang damdamin
At muli mong tanggapin
Ang alok kong pagmamahal na sana'y iyo namang mapansin
Bigyan sana ng pagkakataon
Na muling iparating
Ang pag-ibig na minsan ay naramdaman mo rin
Pasensya na kung nasaktan man natin ang isa't isa
Ito'y nalimot ko na at handa na muling
Mahalin ka
Sana'y ganon ka rin at ako pa rin ang piliin
At dinggin ang aking hiling na mabalik ang dating pagtingin
Pagbigyan sana ang damdamin
At muli mong tanggapin
Ang alok kong pagmamahal na sana'y iyo namang mapansin
Bigyan sana ng pagkakataon
Na muling iparating
Ang pag-ibig na minsan ay naramdaman mo rin
Handa na akong gumawa ng bagong pangako kasama ka
Handa na akong sumumpa
Ikaw na nga at wala nang iba
Pagbigyan sana ang damdamin
At muli mong tanggapin
Ang alok kong pagmamahal na sana'y iyo namang mapansin
Bigyan sana ng pagkakataon
Na muling iparating
Ang pag-ibig na minsan ay naramdaman mo rin
Pagbigyan sana